CITY SCHOOLS DIVISION OF BINAN

Header Background

Philippines Standard Time:

logo2
×
LOGO

City Schools Division of Biñan

Serbisyo Publiko: Panata ng Bagong Pamunuan ng Lungsod ng Biñan
Camera icon Image Credits: Dudz Detera

Serbisyo Publiko: Panata ng Bagong Pamunuan ng Lungsod ng Biñan

"Ako po ay naniniwala, ang kabataan ang pinakamahalagang puhunan ng lungsod. At sa pamagitan ng edukasyon at isports, bubuuin natin ang talino, disiplina, tibay ng loob at pagkakaisa. Kaya't isusulong natin ang mas pinalawak na edukasyon at sports development programs sa mga barangay, paaralan at komunidad."

- Mayor Angelo B. Alonte
Sa kanyang talumpati matapos ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong na opisyal ng Lungsod ng Biñan.
#1forbatangbiñan
#1mind1heart1direction
#sdobiñancity

Proyekto sa Literasiya, Isusulong ng SDO Biñan Katuwang ang LSPU
Camera icon Image Credits: Jane Quiozon Alangco

Proyekto sa Literasiya, Isusulong ng SDO Biñan Katuwang ang LSPU

To systematically evaluate the implementation of various programs, projects, and activities (PPAs) of the three functional divisions of the SDO Biñan City held the Program Implementation Review and Plan Adjustments (PIRPA) last August 7-9, 2024, at Camp John Hay, Baguio City. It is a necessary undertaking to review if goals and performance targets are being met as specified in the Division Education Development Plan (DEDP), Annual Implementation Plan (AIP), and Work and Financial Plans (WFP). It likewise supports the institution’s commitment to provide the members of its organization with opportunities to link their achievements and make a meaningful contribution to the attainment of this institution’s Vision and Mission; promote individual and team growth, participation, and commitment; and grow professionally and personally.

Pinasimulan ng Schools Division Office (SDO) Biñan City at ng Laguna State Polytechnic University (LSPU), sa pakikipagtulungan ng Biñan City Science and Technology High School, ang pagpapatibay ng kanilang alyansa sa pagpapalakas ng literasiya sa lungsod.

Sa pagbisita ng mga bagong hinirang na pinuno ng SDO Biñan—sina Dr. Arlene Ricasata, CESO VI, Officer-in-Charge ng Office of the Schools Division Superintendent, at G. Christian Mespher Hernandez, bagong itinatalagang Officer-in-Charge ng Office of the Schools Division Assistant Superintendent—kasama si LSPU Regent Dr. Chester Buama, minarkahan ang pagsasanib ng dalawang institusyon upang magsulong ng proyektong tututok sa pagpapaunlad ng literasiya sa pamamagitan ng mentorship program at whole community approach.

Sa panayam ng pahayagang The Fulcrum, inihayag ni Dr. Ricasata ang kanyang bisyon para sa mga mag-aaral sa lungsod: “Gusto natin na walang maiiwan. Gusto natin na bawat batang Biñanense ay bumabasa o babasa."
#1forBatangBiñan
#1mind1heart1direction

Pormal na Pagbisita ng mga Bagong Lider: Kaakibat ang Panata sa Edukasyon
Camera icon Image Credits: Jane Quiozon Alangco

125th Philippine Independence Day Celebration

Isang araw bago ang kanyang pormal na panunumpa sa tungkulin bilang bagong halal na kinatawan ng Lone District of Biñan, tayo ay binisita ni outgoing Mayor Atty. Arman Dimaguila kasama sina Prof. Edmil Recibe, ang education officer ng lungsod, at incoming No. 1 City Councilor Jedi Alatiit.

Bukod sa mainit na pagbati sa mga bagong talagang OIC-Schools Division Superintendent Dr. Arlene S. Ricasata at OIC-Assistant Schools Division Superintendent Christian Mespher A. Hernandez, pinag-usapan din agad ang mga prayoridad na programang pang-edukasyon na tututukan, susuportahan, at ang iba ay ipagpapatuloy simula ngayong taon.

Kabilang dito ang pagtatatag ng special science elementary schools, pagpapalakas ng internet connectivity sa mga pampublikong paaralan para maitawid nang mas maayos ang online learning at digital conferencing, at pagsisiguro ng paperless transactions.

Naging haylayt ng usapan ang kasunduang mas bigyang prayoridad ang literacy and numeracy programs sa lahat ng mga paaralan gamit ang whole community approach kung saan i-e-extend ang mga programa at gawain sa mga barangay katuwang ang mga lokal na opisyal at Sangguniang Kabataan.
#1forBatangBiñan
#1mind1heart1direction

Misa ng Pasasalamat, inalay ng SDO Biñan para sa Bagong Pamunuan at Ika-127 Anibersaryo ng DepEd
Camera icon Image Credits: Jane Quiozon Alangco

"Misa ng Pasasalamat, inalay ng SDO Biñan para sa Bagong Pamunuan at Ika-127 Anibersaryo ng DepEd"

Ginanap ngayong araw ang isang Misang Pasasalamat na inalay ng SDO Biñan bilang pagkilala at pasasalamat sa pagkakaroon ng bagong pamunuan sa katauhan nina OIC-Schools Division Superintendent Dr. Arlene S. Ricasata, CESO VI at OIC-Assistant Schools Division Superintendent Christian Mespher A. Hernandez, CESE.

Kaugnay rin ng selebrasyong ito ang pakikiisa ng Dibisyon sa pagdiriwang ng ika-127 taong Anibersaryo ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Rev. Fr. Dexter Jay M. Nebrida, AM, pari mula sa Alagad ni Maria at kasalukuyang Executive Director ng Samahang Likha para sa Kabataan ng Ating Bayan (SALIKANA-BAYAN) – SLK Biñan Chapter. Sa kaniyang homiliya, binigyang-diin ni Rev. Fr. Nebrida ang kahalagahan ng tunay na pag-ibig—isang pag-ibig na walang hinihinging kapalit, bagkus ay handang magsakripisyo alang-alang sa kapwa.

Hinikayat niya ang lahat na tularan ang Kabanal-banalang Puso ni Hesus, na sa kabila ng mga pagsubok ay patuloy na nagpapakita ng malasakit, pagmamahal, at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ang misa ay isinagawa rin bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus, na ginugunita ngayong araw.
#1forBatangBiñan
#1mind1heart1direction